MGA MAKIKITA SA TAUHAN

Maraming tauhan sa nobelang Noli me Tangere at isa't isa ay mayroong ibang mga katangian at simbolismo. Pwede silang hango sa mga totoong katauhan o karakter na galing sa ibang kwento. Sa lahat ng lahi ay may mga masasama at mabuting tao kaya isa sa mga pagsasalin ng "Noli Me Tangere" ay "social cancer". Pinapakita na kahit saang lipunan, mataas o mababa ang posisyon ay mayroong mga tao na masama ang loob.


Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

Siya ay hango kay Jose Rizal. Marami sa katangian ni Ibarra ay maihahalintulad kay Rizal. Kinakatawan niya ang mga Pilipino na nakapag-aral ng magandang edukasyon sa ibang bansa. Siya ang halimbawa na nais ni Rizal sa mga kabataan na makapag-aral ng mabuti.


Maria Clara de los Santos

Siya ang kumakatawan sa kawalang-malay at kadalisayan ng mga dalaga sa panahon ng Kastila. Sumisimbolo siya sa mga tao na hindi mas binibigyan ng mas kahalagahan ang mga bagay kesa sa kanyang dignidad at mga pangako. Ang mga katangian niya ay inihalintulad kay Leonor Rivera na ang pag-ibig ni Rizal noong bata pa siya.


tenyente Guevarra

Simbolo ng mga Kastilang may mabuting kalooban.


Don Santiago de los Santos, "KAPITAN TIYAGO" O "SAKRISTAN TIYAGO"

Simbolo ng mga Pilipinong sunud-sunuran sa mga Kastila upang mapabilang sa mataas na posisyon. Kumakatawan siya sa mga katangian na Colonial Mentality, Social Climber at Servility. Itinuring niya na siya ay kabilang sa mga kastila at naglilingkod sa mga may impluwensya kahit mali ang pinapagawa sa kaniya.


PIA ALBA

Siya ay nagsisimbolo sa mga babae na naging biktima ng abuso ng mga prayle at napa tahimik. Siya rin ang kumakatawan sa mga babae na nagsasakripisyo para sa kanilang mga asawa.


Padre Dámaso Verdolagas at Padre Bernardo Salvi

Sila ay sumisimbolo sa mga pari na hindi sumusunod sa mga turo ng simbahan. Sila rin ay kumakatawan sa mga opisyal o tao na nasa mataas na posisyon na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para matugunan ang kanyang kagustuhan.
Si padre Salvi ay hango sa totoong tao na si 'Padre Antonio Piernavieja'. Siya ay isang Augustinian friar na kinamumuhian sa Bulacan ng Cavite. Pinatay siya ng mga Pilipino sa Philippine revolution.


PILOSOPO ANASTACIO

Siya ang larawan ng mga Pilipino na dating tinanggap ang kolonyalismo ng mga kastila bago mabago ang kanilang paningin dahil sa malupit na karanasan ng mga kanyang kababayan.


( Made with Carrd )